Pinasalamatan ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky si US President Donald Trump dahil sa pagtulong nito para tuluyan ng matapos ang giyera nila ng Russia.
Sa ginawang pagbisita ni Zelensky sa White House, ay naging mas magaan na ito kumpara sa unang pagkikita noong anim na buwan na ang nakakaraan.
Iniabot ni Zelensky ang sulat mula sa kaniyang may-bahay para kay US First Lady Melania Trump.
Ginaya lamang nito ang ginawang pagsulat ni US First Lady Melania Trump kay Russian President Vladimir Putin noong nagkita sila ni Trump sa Alaska kung saan nakasaad na dapat ay protektahan nila ang mga inosente.
Sa nasabing pulong sinabi ni Trump na mayroong malaking tsansa na magpulong silang tatlo ni Putin para sa pagtatapos na ng giyera.
Natitiyak din ni Trump na matatapos ang giyera kung talagang gugustuhin ito ng dalawang panig.
Nagbigay din ng katiyakan si Trump na buo pa rin ang suporta nito sa Ukraine.
Matapos ang pulong ng dalawa ay magsasagawa din ng pulong si Trump sa mga European Leaders na kasama ni Zelensky para sa pagaplano ng tuluyang matapos ang giyera.