Nanawagawan si US Senator Chuck Schumer na dapat imbitahan ang dati at kasalukuyang opisyal ng White House na tetistigo sa impeachment trial ni US President Donald Trump.

Ilan sa mga nais ni imbitihan nito ay sina White House acting Chief of Staff Mick Mulvaney at ex-adviser John Bolton.

Agad namang kinontra ito ni Republicans na nagko-control ng senado at nanawagan na lamang ng maikising pagdinig kahit wala ng mga saksi.

Inaasahan na kasi na matatapos na ang botohan sa US House of Representative sa Miyerkules at kapag nakakuha ng sapat na boto ay iaakyat agad nila ito senado.

Magugunitang mariing pinabulaan ni Trump na may pinapaimbestiga niya ang katunggali nito na si Joe Biden ng kausapin niya ang Ukrainian president.