-- Advertisements --

Sinuspinde na ng Department of Migrant Workers (DMW) ang lisensya ng manning agency at ang rehistro ng principal ng MV Eternity C,kasunod ng ginawang pag atake ng Houthie rebels sa nasabing barko sa Red Sea malapit sa Hodeidah, Yemen.

Sa ginawang pag atake ng rebeldeng Houthie lumubog ang naturang barko na mayruong 22 tripulante, 21 dito mga Filipino at isa ang banyaga.

Ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac, nadismaysa sila na mayruon na namang ganitong insidente sa kabila ng mahigpit na polisiya na ipinatutupad na ipinagbabawal ang pagbiyahe sa mga lugar na tinaguriang high-risk zone sa mga sea farers gaya ng Red sea at Gulf of Aden.

Sinabi ni Cacdac na mayruong umiiral aniya na regulasyon para sa deployment ng mga barko sa nasabing rehiyon na hindi sinunod.

Dagdag pa ni Cacdac, isasagawa ang malalim na imbestigasyon hinggil sa insidente at tiniyak na papatawan ng kaukulang parusa ang ship owner na lumabag sa mga polisiya.

Gayunman, iginiit ng kalihim na pangunahing prayoridad sa ngayon ang kaligtasan at kapakanan ng mga Pilipinong seafarers.

Siniguro ni Cacdac na mananagot ang mangyari ng nasabing shipping company.

Sinabi ni Cacdac magkakasa sila ng imbestigasyon hinggil dito at mananagot ang mangyari ng shipping company.