-- Advertisements --

Patuloy ang pagpapagamot ni US Defense Secretary Lloyd Austin ng kaniyang prostate cancer.

Ayon sa Walter Reed National Military Medical Center na ang cancer ay nadiskubre noong Disyembre.

Sumailalim na ito sa prostatectomy para magamot ang cancer noong Disyembre 22.

Sa nasabing proseso ay sumailalim ito ng general anesthesia kung saan bahagyang gumaling mula sa kaniyang operasyon at nakauwi ng kaniyang bahay si Austin.

Nitong Enero 1 ay muling dinala sa pagamutan si Austin dahil sa kumplikasyon kabilang ang pananakit sa tiyan, beywang at sa hita.

Hindi naman matiyak kung hanggang kailang mananatili ang opisyal sa pagamutan.

Magugunitang nahaharap sa batikos ang Pentagon matapos na hindi nila ipinaalam kay US President Joe Biden na nasa pagamutan pala ang US Defense Secretary.