Aminado si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr na marami pang mga ghost at palpak na flood control projects ng kagaya ng sa bgy Piel, Baliuag, Bulacan.
Ayon kay Pangulong Marcos, nakakalungkot pero marami pang mga proyektong may kinalaman sa flood control na pawang guni- guni lamang na aniyay kanilang titingnan na ngayon.
Magmula aniya ng kanilang inilunsad ang Sumbong sa Pangulo website ay bumuhos ang sumusulat at natatanggap nilang mga sumbong na kanila aniyang titingnang maigi ang mga reklamong ito.
Kaugnay nitoy siniguro naman ng Pangulo na hindi sila titigil hanggang sa mailantad ang pagkakakilanlan ng mga nasa likod ng multi- bilyong anomalya gamit ang mga flood control projects.
Aniya Kakasuhan ang mga sangkot na lga contractor at ang iba pang nasa likod ng malawakang anomalya.
Una ng hinarang ni PBBM ang pag release sa nasa P60 -80 billion na pondo sa ilalim ng 2025 budget na ayon sa Malakayang ito ay mga infrastructure projects ng DPWH na ininsert o isiningit ng Kongreso.
Ang nasabing mga infrastructure projects ay hindi naka align sa Philippine Development Plan ng Marcos Jr administration.
Samantala, sinabi ng punong ehekutibo na Mayruon ng legal team na siyang tututok sa legal na hakbangin na gagawin laban sa mga personalidad na dawit sa iregularidad na may kinalaman sa flood control projects.
Pagsisiguro ng Pangulo hahabulin at kakasuhan nila ang mga nasa likod ng malawakang anomalya na kung saan ay dawit ang ilang mga contractors, mga taga- dpwh at sinasabing mga proponents.
Depende sabi ng Pangulo kung aabot sa yugtong magiging buong pambansa ang gagawing paghahain ng kaso at ito aniya ang aatupagin ng kanilang legal team.
Sa ngayon aniya ay tuloy- tuloy lang ang pagsusuri nila sa records ng DPWH at sa lahat ng malalaking contractors at mula duon ay malaman kung tumutugma ang report sa mga sinusumbong sa Sumbong sa Pangulo website.