-- Advertisements --

Ibinunyag ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Rogelio Singson na mayroong nagpapahapyaw sa kaniya mula sa Malacañang na nag-aalok para siya ay bumalik muli sa puwesto.

Subalit kaniya itong tinanggihan para umano sa kapakanan ng kaniyang pamilya, personal at pang-seguridad.

Naging DPWH Secretary si Singson mula Hulyo 2010 hanggang Hunyo 2016 sa ilalim ni dating Pangulong Benigno Simeon “NoyNoy” Aquino III.

Magugunitang nahaharap na batikos si DPWH Sec. Maneul Bonoan matapos ang isinasagawang imbestigasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa mga palpak na mga Flood Control Projects sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.