-- Advertisements --
Hindi binago ng Civil Aeronatics Board (CAB) ang fuel surcharge sa buwan ng Setyembre.
Ayon sa advisory na pirmado ni CAB executive director Carmelo Arcilla, na nasa level 4 pa rin ang fuel surcharges.
Ito na ang pangalawang pinakamataas ngayong taon.
Ang fuel surcharges ay dagdag na bayarin na sinisingil ng mga airline companies para makabawi sila sa mga fuel cost.
Hiwalay ito sa mga base fare at kabuuang bayad ng pasahero para sa kaniyang upuan.
Sa nasabing level ay magbabayad ang mga pasahero ng mula P117 hanggang P342 para sa mga domestic flights habang mula P385.70 hanggang P2,867.82 para sa international flights depende sa layo.