-- Advertisements --

Galit si Pangulong Ferdinand Marcos Jr matapos madiskubri ang ghost project sa Baliwag, Bulacan.

“I am very angry, higit pa sa pagkadismaya,” pahayag ng Pangulong Marcos.

Ininspeksyon kasi ng Pangulo ang isa na namang flood control project sa Purok 4, Brgy piel, Baliwag,Bulacan.

Sinabi ng Pangulo na base sa dokumento, ang inireport ay nakumpleto na ang proyekto nitong Hunyo.

Pero naghanap ang Pangulo subalit ni isa aniyang hollow block sa 220 meter na proyekto na nagkakahalaga ng P55.7 milyon pesos ay wala silang nakita sa lugar.

Ayon sa pangulo, maliwanag na ni isang araw ay hindi nagtrabaho para sa proyekto at lumalabas na ito ay isang ghost project.

Samantala, patung patong na kaso ang kahaharapin ng mga sangkot na kontratista.

Sinabi ng pangulo na para sa malalaking proyekto, kasong economic sabotage ang posibleng isampang kaso habang falsification of public documents ang nakikita nilang posibleng ihabla sa contractor ng proyekto sa Barangay Piel ahil nakasaad sa report na nakumpleto ito pero wala namang ginawa o walang nakitang proyekto.

Batay sa dokumento, ang Syms Constraction Trading ang kontraktor sa proyekto at ang implementing office ay ang Bulacan 1st District Engineering Office.

Feb 22, 2025 ang contract effectivity date na magtatapos o may expiry date na October 22, 2025.

Pinondohan ito sa ilalim ng 2025 National Expenditure Program (NEP).

Ayon sa Pangulo, ito ang dahilan kaya pala aniya tuloy tuloy lamang ang pagbaha sa lugar.

Mababawasan din sana aniya ang utang ng Republika ng Pilipinas kung naging maayos sana ang mga ganitong proyekto.

Pero dahil wala aniyang ginawang proyekto na kumpletong binayaran, ay patuloy ngayong nakapipinsala sa mga lokal na residente at sa pananalapi ng pamahalaan.