-- Advertisements --
Inihayag ng grupo ng mga negosyante sa bansa ang suporta sa plano ng Department of Agriculture (DA) na pag-aralan ang rice tarifficaton law.
Sinabi ni Federation of Philippine Industries (FPI) chairman Jesus Arranza , nais nila na tiyakin ng gobyerno na protektado ang mga magsasaka at mga local producers bago buksan ang merkado sa mga imports.
Dagdag pa nito na mahalaga na ayusin muna ng gobyerno ang problema sa lokal na industrya.
Mahalaga kasi na magkaroon ng matatag na domestic-based market at hindi ito mangyayari kung bumabaha ng mga mura na mga produktong agrikultura na galing pa sa ibang bansa.