-- Advertisements --
Ipinagpatuloy ng Land Transportation Office ang pamamahagi ng mga plaka kahit na holiday ngayong araw.
Kaugnay nito ay binuksan nila ang Public Assistance and Complaints Desk (PACD) sa Central Office ng LTO sa Quezon City kahit na holiday.
Ito ay para sa distribusyon ng plaka ng motorsiklo mula 2014 hanggang 2017, alinsunod sa direktiba ni LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II at utos ni Pangulong Marcos Jr. na pabilisin ang pamamahagi.
Pinangungunahan ni Administrative Division Chief Louella Mutia ang operasyon.
Paalala ng LTO, magdala ng kumpletong dokumento.
Nagtapos naman ang distribusyon ng plaka para sa araw na ito kaninang alas 3 ng hapon.