-- Advertisements --

Nagmatigas na umalis sa kaniyang puwesto si US Centers for Disease Control and Prevention (CDC) chief Susan Monarez.

Ito ay kahit na inanunsiyo ng White House na tinanggal na siya sa puwesto.

Ayon sa White House na ang dahilan ng kaniyang pagkatanggal sa puwesto ay hindi na ito sumusunod sa kagustuhan ni US President Donald Trump.

Inakusahan naman ni Monarez si Health Secretary Robert F. Kennedy Jr na isinasangkalan lamang nito ang public health.

Giit naman ng abogado nito na tanging si Trump lamang ang puwedeng magpaalis sa kaniya kahit na may anunsiyo.