-- Advertisements --

Binalaan ng Pentagon ang ginagawang pagsakop ng China sa West Philippine Sea.

Sinabi ni US Secretary of Defense Lloyd Austin na walang basehan sa international law ang ginagawang pagpapalawak ng teritoryo ng China sa lugar.

Isinagawa ni Austin ang pahayag noong bumisita siya sa Singapore.

Muling tiniyak nito na suportado ng US ang sinumang nagtatanggol sa kanilang karapatan sa nasabing lugar.

Magugunitang bukod sa Pilipinas ay pinag-aagawan rin ng mga bansang Brunei, Malaysia, Taiwan at Vietnam ang nasabing West Philippine Sea.