-- Advertisements --
Hindi ikinaila ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III ang posibilidad na maaring mapirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang 2026 national budget sa buwan pa ng Enero.
Ito ay kahit na nagpasya ang Senate at House of Representatives na iurong ang kanilang legislative calendear para ma-accomodate ang pagratipika ng bicameral conference sa panukalang P6.793-trillion General Appropriation BIll (GAB) .
Sa darating pa kasi na Disyembre 29 ay raratipikahin ng Kongreso ang bicam report bago ang kanilang pag-adjourn sa Disyembre 30.
Subalit ang posibilidad na mapirmahan ni Pangulong Marcos ang budget bill sa Disyembre 30 o 31 ay maaaring maisakatuparan.
Ito ay kapag nasimulan na ng mambabatas na pag-aralan ngayon ang nasabing budget.
















