Kinumpirrma ngayong Sabado, Disyembre 20 ni Philippine National Police Public Information Office chief Police Brigadier General Randulf Tuaño na nakatakdang ilabas ngayong araw ang resulta ng autopsy ng pumanaw na si dating DPWH USec. Catalina Cabral.
Subalit nilinaw ng PNP official na walang isinagawang DNA test nang isinailalalim sa autopsy ang katawan ng dating opisyal.
Matatandaan, nauna nang tinutulan ng pamilya ng dating DPWH official ang pagsasailalim sa labi sa autopsy, subalit kalaunan ay pinayagan din nila ito.
Si Cabral ay isa sa mahalagang personalidad na idinadawit sa malawakang corruption scandal kaugnay sa flood control projects sa Bulacan.
Natagpuang wala nang buhay si Cabral matapos umanong mahulog sa isang bangin malapit sa Bued River sa may Kennon Road sa Tuba, Benguet gabi ng Huwebes, Disyembre 18.










