-- Advertisements --

Kinumpirma ng Office of the Ombudsman nagtungo sa tanggapan ang pumanaw na dating opisyal ng Department of Public Works and Highways na si Undersecretary Maria Catalina Cabral.

Ayon kay Assistant Ombudsman Mico F. Clavano, bumisita si Cabral ngayong buwan ng Disyembre lamang bago siya’y matagpuan walang buhay.

Batay sa ibinahaging impormasyon ni Ombudsman Spokesperson Clavano, nakalagay sa ‘logbook entry’ ng opisina ang ngalan ni Cabral nitong ika-3 ng kasalukuyang buwan.

Paliwanag naman ng opisyal, pinapunta aniya si former DPWH Usec. Cabral para sa imbestigasyon isinasagawa may kinalaman sa maanomalyang flood control projects.

Kung saan kanyang ibinahagi na ‘willing to cooperate’ naman raw ang pumanaw na dating undersecretary nang ito’y magtungo sa Ombdusman.

Nito lamang ay natagpuan ang sinasabing bangkay ni former Public Works Undersecretary Catalina Cabral sa bangin ng Kennon Road, Tuba, Benguet.

Ito’y idineklarang patay na subalit isasailalim pa sa masusing imbestigasyon o pagsusuri buhat nang ito’y makuha mula sa naturang bangin.