-- Advertisements --

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr si dating Philippine National Police (PNP) chief Nicolas Torre III bilang general manager ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Kinumpirma ito ni Palace Press Officer Claire Castro.

Papalitan ni Torre si retired police Procopio Lipana bilang MMDA general manager.

Naging matunog ang pangalan ni Torre dahil sa pangunguna niya sa pagkaaresto kay pastor Apollo Quiboloy at ang pagkakaaresto ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court dahil sa crimes against humanity.

Bagamat naging malabo ang pagkakatanggal kay Torre ay sinasabing isa sa mga dahilan nito ay ang hindi pagkakaunawaan nila ng National Police Commission (NAPOLCOM) dahil sa umanoy iligal na pagtatalaga sa mga opisyal ng kapulisan mula sa iba’t-ibang rehiyon.