-- Advertisements --
Pinagsisira ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga iba’t-ibang uri ng vape products na na hindi nabayaran ang buwis na nagkakahalaga ng P1.4 bilyon.
Sinabi ni BIR Chairman Charlito Mendoza na sa mga susunod na mga araw ay mayroong halos kalahating milyon pa na mga vape products ang nakatakda nilang sirain na hindi pumasa sa pagbabayad ng excise tax.
Sinabi nito na ang excise tax ay siyang nagpapataas ng presyo ng vape kung saan nagreresulta ito sa pagkadismaya ng mga gumagamit nito.
Ang kita naman na makukuha sa excise tax ay makakatulong sa pagpondo sa mga mba iba’t-ibang serbisyo sa publiko.















