Naghain ng reklamo ang Save the Philippines Coalition sa Office of the Ombudsman laban kay Executive Secretary Ralph Recto at dating PhilHealth president Emmanuel Ledesma.
Ayon sa grupo, ilegal umano ang paglilipat ng P60 bilyon mula sa pondo ng PhilHealth patungo sa national treasury, dahil nakalaan ito para sa benepisyo ng mga miyembro. Iginiit nila na ang hakbang ay maaaring magresulta sa pagkaantala ng bayad sa mga ospital at health providers, na dati nang nagreklamo sa mabagal na reimbursement.
Noong nakaraang taon, nagsampa rin ng kaso ang ilang dating opisyal ng gobyerno laban sa paglilipat ng halos P89.9 bilyon na “excess funds” ng PhilHealth.
Ayon sa pamahalaan, bahagi ito ng fiscal management strategy upang palakasin ang kaban ng bayan.
Gayunpaman, naniniwala ang Coalition na ang hakbang ay nagdudulot ng krisis sa tiwala ng publiko sa pamamahala ng social health insurance system ng bansa.
















