-- Advertisements --

Iniulat ng International Criminal Court (ICC) na nakatanggap ito ng 303 aplikasyon para sa victim participation sa kaso laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, dahil umano sa kakulangan ng impormasyong pampubliko sa mga paratang.

Ayon sa Registry, hindi pa nailalabas ang Document Containing the Charges (DCC) kaya limitado ang natulungan ng mga victim support groups. Mas mababa sa limang porsiyento ng mga aplikasyon ang tumutukoy sa 78 insidente ng murder at attempted murder na saklaw ng kaso.

Hiniling naman ng Office of Public Counsel for Victims na ibasura ang mosyon ng depensa na humihingi ng detalye ng ilang biktima, dahil maaari nitong ilagay sa panganib ang kanilang seguridad.

Si Duterte ay ini-turn over sa ICC noong Marso 12 at nahaharap sa charges of murder kaugnay ng kanyang drug war. (report by Bombo Jai)