-- Advertisements --

Inanunsiyo ng American rock band na My Chemical Romance ang paglipat ng petsa ng kanilang konsiyerto na gaganapin sa bana.

Ayon sa social media post ng banda, na imbes na sa Abril ay gagawin na lamang ito sa Nobyembre.

Isasagawa sana ito sa Abril 25 subalit nailipat na ngayon sa Nobyembre 14 sa Philippine Arena.

Paglilinaw nila ng hindi ito kanselado subalit hindi na binaggit pa ang dahilan ng paglipat ng petsa.

Ang mga nakabili ng tickets para Abril ay kanila pa rin nilang tatanggapin subalit ang mga nais ng mag-refund ay maari din nilang ibalik ang pera.
Ipinangalan ang concert na “Black Parade” sa matagumpay nilang album noong 2006.

Binubuo noong 2001 ito ng magkapatid na sina Gerard at Mikey Way kaama sina Ray Toro at Frank Lero.

Naglabas silang apat na studio album bago naghiwalay noong 2013 at inanunsiyo ang reunion noong 2019.