-- Advertisements --

Binbilisan ngayon ng Bureau of Customs (BOC) ang pamamahagi ng ilang libong mga unclaimed balikbayan boxes bago ang Pasko.

Kasunod ito sa naging kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na dapat simulan na ng BOC ang pamamahagi ng mga balikbayan boxes na nakalagay mula sa 130 na abandonadong container vans.

Sinabi naman ni BOCAssistant Commissioner at Spokesperson Vincent Philip Maronilla na sinimulan na nilang kinilala ang mga may-ari ng 130,000 na mga balikbayan boxes at nakipag-ugnayan sa mga freight forwarding company para sa paglabas ng tracking number sa mga recipients.

Kung sakaling hindi mahabol sa Pasko ay maaring bago matapos ang taon.