-- Advertisements --
Mahigpit na ipinag-utos ngayon ni Australian Prime Minister Anthony Albanese ang pagtugis sa mga hate speech.
Ang nasabing hakbang ay kasunod ng nangyaring pamamaril sa Bondi Beach kung saan tinarget dito ang Jewish festival.
Sa nasabing insidente ay nagresulta sa pagkasawi ng 15 katao.
Sinabi ni Albanese na ang bagong batas ay target ang mga sinumang nagpapakalat ng kaguluhan.
Mayroong matinding kaparusahan ang sinumang lider at preachers na magpapakalat ng nasabing kaguluhan at hate speech.
Pagtitiyak pa nito na lahat ng mga Jewish Australian ay ligtas sa kanilang bansa.
















