-- Advertisements --
Nasa tatlong katao ang nasawi sa naganap na pag-atake ng Israel sa Sidon City ng Lebanon.
Ayon sa Ministry of Health ng Lebanon, na ang mga biktima ay nakasakay sa sasakyan ng tumama ang airstrikes ng Israel pagdating nila sa Quneitra Road.
Ito na ang pinakahuling paglabag ng Israel sa ceasefire agreement nila ng Hezbollah.
Paliwanag naman ng Israeli military na target nila sa nasabing airstrikes ang miyembro ng Hezbollah sa Sidon Area.
Ang nasabing pag-atake ay nangyari isang araw matapos ang ginawang air-strike ng Israel sa southern Lebanon na ikinasawi ng isang katao at ikinasugat ng dalawang iba pa.
















