Pinayagan ng US appeals court ang Trump administration na magpadala ng National Guard troops sa Portland, Oregon.
Ito ay matapos katigan ng tatlong hukom ng 9th US Circuit Court of Appeals ang request ng US Department of Justice na ipatigil ang kautusan ng isang hukom na humarang sa deployment ng mga tropa habang papahintulutang ituloy ang legal challenge laban sa hakbang ni Trump.
Ayon sa korte, ang pagpapadala sa National Guard ay isang kaukulang tugon para sa mga protester na pinagsisira ang federal building at pinagbantaan ang US Immigration and Customs Enforcement officers.
Samantala, umapela naman si Oregon Governor Tina Koteksa sa federal appeals court na baliktarin ang desisyon ng 3 hukom.
Matatandaan, noong Oktubre 4, hinarang ng mismong appointee ni Trump na si Portland-based US District Judge Karin Immergut ang pagpapadala ni Trump ng anumang National Guard troops sa Portland hanggang sa bago matapos ang Oktubre at nagtakda ng isang non-jury trial na nakatakdang simulan sa Oktubre 29 para tukuyin kung magpapatupad ba ng pangmatagalang pagpigil sa Trump admin na magpadala ng mga tropa sa Portland.
Noong Setyembre 28 naman nang unang ipag-utos ni Trump sa 200 National Guard troops na ma-deploy sa Portland para masawata ang mga protesta at palakasin pa ang domestic immigration enforcement.