-- Advertisements --

Naghain ng not-guilty plea ang dating national security adviser ni US President Donald Trump na si John Bolton dahil sa kasong mishandling classified information.

Ang 18 na bilang na kaso ay mula sa alegasyon na ipinamahagi nito ang mga sensitibong materyales kabilang ang tinaguriang top secret.

Ipinasok nito ang not guilty plea matapos na personal itong sumuko sa mga otoridad sa federal court hearing nitong Biyernes.

Ang 76-anyos na si Bolton ay nanilbihan kay Trump sa unang termino nito subalit umalis rin ito at naging kritiko na ng US President.

Itinakda naman sa Nobyembre 21 ang pagdinig sa nasabing kaso.

Inakusahan ng Prosecutors si Bolton ng paggamit ng personal messaging apps at emails para iligal na ibahagi ang mga sensitibong impormasyon.