Inaprubahan ng Toll Regulatory Board (TRB) noong Biyernes ang pagtaas ng singil sa toll, North Luzon Expressway (NLEX), na ipatutupad simula Enero 20, 2026.
Ayon sa TRB, ang dagdag na toll ay ganito:
Open System (Balintawak, Caloocan, Mindanao Ave. hanggang North of Marilao):
Class 1 (regular cars, SUVs): P6
Class 2 (buses, small trucks): P12
Class 3 (large trucks): P16
Closed System (North of Marilao hanggang Sta. Ines, Mabalacat City) – kada kilometro, VAT exclusive:
Class 1: P0.26
Class 2: P0.65
Class 3: P0.78
Subic-Tipo:
Class 1: P3
Class 2: P6
Class 3: P7
NLEX End-to-End (Marilao hanggang Sta. Ines, Mabalacat City):
Class 1: P24
Class 2: P60
Class 3: P72
Sa hiwalay na pahayag, sinabi ng NLEX Corporation, operator ng toll road, na ang pagtaas ay ikalawa at huling tranche ng aprubadong periodic toll adjustments na orihinal na nakatakda noong 2023.
Binanggit din nila na ang hike ay dati nang naantala at ipinatupad sa dalawang tranche upang mabawasan ang epekto sa mga motorista.















