-- Advertisements --

Nakatakda nang ipa-deport sa Russia ang Russian-American vlogger na si Vitaly Zdorovetskiy matapos ang kanyang walong (9) buwang pagkakakulong dahil sa kasong unjust vexation.

Ito ang kinumpirma ng Deparment of Interior ang Local Government (DILG) sa isang pulong balitaan ngayong araw ng Huwebes, Enero 15, 2026.

Ayon kay Atty. Arvin Santos, Legal Division Chief ng Bureau of Immigration (BI), pino-proseso na ang clearance ni Zdorovetskiy na magmumula sa National Bureau of Investigation (NBI), at Taguig City Regional Trial Court Branch 153 kung saan siya nilitis.

‘Nag-issue na po ng deportation against Vitaly Zdorovetskiy, nakalagay po doon sa ating deportation order na ang pag-deport sa kanya subject to clearances ng NBI at yung courts kung saan siya nagkaroon ng kaso [Taguig RTC], yung mga kaso niya..na resolve narin kaya marapatin po ay puwede narin po siyang i-deport soon. Nagco-coordinate narin po kami sa pagde-deportan ng bansa niya which is Russia,’ ani Santos.

Nilinaw naman ni Interior Secretary Jonvic Remulla na kaya sa Russia ang bansang pagde-deportan ni Zdorovetskiy ay dahil ito raw ay may hawak na passport origin mula sa Russia.

‘Si Vitaly po ay US green card holder pero Russian citizen so, ang mapa-process niyan ay hindi ‘yung country of residence kundi ‘yung passport of origin. Ang passport niya po ay galing sa Russia kaya doon po ang process of deportation,’ pahayag ni DILG Remulla.

Si Zdorovetskiy, kilalang YouTuber na gumagawa ng prank videos, ay inaresto matapos mangharas ng isang guard at ilang tao sa Bonifacio Global City. Dahil dito, idineklara siyang “undesirable alien” ng BI.

Noong Hunyo 11, 2025, inilipat siya sa BJMP para harapin ang kaso sa Taguig RTC Branch 153. Ngunit matapos magpiyansa, ibinalik siya sa BI Warden Facility sa Camp Bagong Diwa.

Muli ring nagpaalala si Remulla sa mga foreign visitors sa bansa na maging aral ang sinapit ni Zdorovetskiy, na aniya kung nirerespeto ng mga Pinoy ang mga dayuhan gayundin sana ang gawin sa mga Pilipino.

‘This led this be a reminders to all are visitors here in the Philippines that we welcome whether they always welcome tourist and visitors, we treat them with respect and we expect them to follow the same rules as we follow when we travel. We have no ill feelings against Vitaly he has serve his time and he showed his remorse, his now a free man and go back to Russia,’ dagdag pa ng DILG chief.