-- Advertisements --

Magsisimula na ang inaabangang 2025-2026 season ng NBA bukas, Oct. 22.

Sa unang araw, nakatakdang magharap ang apat na bigating team na pawang mula sa western conference.

Unang maglalaban ang 2025 NBA champion na Oklahoma City Thunder at ang No. 2 sa West na Houston Rockets.

Susundan ito ng dalawang heavy favorites na Los Angeles Lakers at Golden State Warriors.

Batay sa schedule na inilabas ng liga, magtatagal hanggang April 12 ang regular season. Sa naturang araw, lahat ng 30 NBA team ay nakatakdang maglaro.

Batay pa rin sa NBA schedule, magsisimula sa Aril 14 hanggang 17 ang NBA Play-In Tournament habang Sa Abril 18 ay magsisimula na rin ang NBA Playoffs.

Nakatakda naman ang 2026 NBA All-Star break sa Feb. 13 hanggang 15 sa Los Angeles California.

Bilang bahagi ng regular games ngayong taon, nakatakdang maglaro sa ibang bansa ang iba’t-ibang team.

Kinabibilangan ito ng Germany, UK, at Mexico.

Sa nakalipas na season, ginawarang champion ang Oklahoma City Thunder matapos nitong pataubin ang Indiana Pacers sa pitong games.