-- Advertisements --

Ipinasa na ng Department of Justice (DOJ) sa Office of the Ombudsman ang investigation reports ukol sa anomalya ng flood control projects sa Bulacan.

Ayon kay National Prosecution Service (NPS) Prosecutor-General Richard Fadullon, na ang imbestigasyon ay nakatuon sa mga opisyal ng Depatment of Public Works and Highways (DPWH) at mga contractors sa unang distrito ng Bulacan na sinasabing responsable sa limang maanomalyang proyekto.

Dagdag pa nito na ang mga sangkot dito ay amga District Engineers, Assistant District Engineers, Project Managers at iba pa.

Sinabi naman ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na ang mga opisyal at contractors na nadadawit ay bahagi rin ng imbestigasyon na isinagawa ng Senado.

Tinawag pa nito na ang limang kaso bilang “low-hanging fruit” at “open-shut cases” dahil sa walang lumabas na proyekto kahit na mayroong pondo.