-- Advertisements --

Umabot sa humigit-kumulang 1.9 milyong deboto ang dumalo sa solemne at tradisyonal na prusisyon ng Santo Niño de Cebu noong Sabado, bago ang mismong pista ng Sto. Niño, ayon sa Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Office.

Kinumpirma rin ni Councilor Dave Tumulak, na nagsabing kabilang ang mga tao sa 5.5 kilometrong ruta ng prusisyon, kasama ang mga bangketa at loob ng basilica.

Noong nakaraang taon, umabot lamang sa 1.4 milyon ang dumalo para sa nasabing kapistahan.

Pasado ala-1:00 p.m nang magsimula ang prosisyon, at nakabalik sa Basilica Minore del Santo Niño ang carroza bago mag ala-5:00 ng hapon.

Maraming deboto ang nakasabay sa ruta sa kabila ng init, at unti-unting naging maulap ang panahon sa huling bahagi ng prusisyon.

Ayon naman sa Cebu City Police Office, naging maayos at mapayapa ang prusisyon.

Nanatiling mataas ang security alert sa lugar, lalo na sa darating na Sinulog Festival at grand parade ngayong Linggo.