-- Advertisements --
matinong Mayor South Cotabato

(Update) KORONADAL CITY – Patuloy ang puspusang imbestigasyon ng Sto. Niño PNP matapos binaril-patay si Mayor Pablo “Abog” Matinong Jr.

Ayon kay South Cotabato provincial police office director Col. Jemuel Siason sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal, binisita lamang ni Mayor Matinong ang isang concreting project at pagdating sa Prk. Libertad, Brgy Poblacion ay binaril siya ng hindi nakilalang mga suspek na pinaniniwalaang mga riding in tandem.

Nagtamo ng bala si Matinong sa mga vital parts ng kaniyang katawan na naging dahilan ng kaniyang pagkamatay.

Narekober ng SOCO sa crime scene ang pitong basyo ng bala ng pinaniniwalaang mula sa kalibre .45.

Sa pahayag ni Siason, may ibinunyag daw si Mayor Matinong na may nakaalitan ito sa negosyo ngunit patuloy pang inaalam ang motibo sa pamamaril.

Samantala hindi naman makapaniwala ang buong bayan ng Sto Niño matapos nabalitaan ang malungkot na balita sa kanilang alkalde.

Kung ipapaalala kabilang si Mayor Matinong sa mga local officials na sangkot sa narcolist ni Pangulong Rodrigo Duterte, bagay na pinabulaanan naman noon ng opisyal.