-- Advertisements --

Inilunsad na ng Department of Health (DOH) ang Citizen Participatory Audit upang hikayatin ang publiko na i-report ang mga hindi gumaganang Super Health Centers (SHC) sa kanilang lugar.

Ayon sa ahensiya, maaaring mag-download ng report form mula sa www.doh.gov.ph/bantaysuperhealth at ipadala ang impormasyon at larawan ng pasilidad sa bantaysuperhealth@doh.gov.ph.

Tiniyak naman ng DOH na mananatiling confidential ang pagkakakilanlan ng mga mag-uulat.

Ayon sa ahensiya, mula sa 878 Super Health Centers na pinondohan ng gobyerno, 300 pa ang hindi operational, karamihan ay nasa Luzon.

Matatandaan, isinumite ni Health Secretary Teodoro Herbosa sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang listahan ng mga hindi gumaganang health center, kasabay ng pagsasabing layunin ng bagong sistema na mapahusay ang transparency at serbisyo sa kalusugan