Naging mabunga ang muling pakikipagpulong ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky kay US President Donald Trump.
Isinagawa ang pulong para sa isulong ang tuluyang ceasefire ng Ukraine at Russia.
Sa bungad ng pulong ay pinuri ni Zelensky si Trump dahil sa tagumpay ng pagsulong ng peace deal.
Kabilang sa tinalakay ay ang unang planong pagbibigay ng US ng Tomahawk missiles na pangdepensa sa Russia.
Subalit tila nagbago ang isip ni Trump dahil baka lalong tumaas ang tensiyon at kailangan din ng US para sa kanilang deepensa ang nasabing missiles.
Makakasira din aniya ito sa magiging pag-uusap ni Trump kay Russian President Vladimir Putin na nagpasyang magkita sa susunod na linggo sa Hungary.
Naniniwala si Trump na malapit ng matapos ang labanan sa pagitan ng Russia at Ukraine kapag matuloy na ang pulong nito sa susunod na linggo.