-- Advertisements --
Nagpahayag ng interest si Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy na makasama sa gagawing pulong nina US President Donald Trump at Russian President Vladimir Putin sa Hungary.
Sinabi nito na kung iimbitahin siya ay hindi ito magdadalawang isip na dumalo.
Hindi rin nito ikinaila na tila kinakampihan ni Hungarian Prime Minister Viktor Orban ang Russia subalit handa itong makipagpulong.
Magugunitang nakatakdang magpulong sina Trump at Putin sa Hungary para pag-usapin ang pagtatapos na ng giyera nila ng Ukraine.