-- Advertisements --
Ibinunyag ni US President Donald Trump na bibisita ito sa China sa susunod na taon.
Ayon sa US President na inimbitahan siya mismo ni Chinese President Xi Jinping kung saan maaaring sa Enero ng susunod na taon ito maisasagawa.
Sa mga susunod na linggo din ay maaring makapulong niya sa South Korea si Chinese President Xi.
Magugunitang nagkaroon ng hindi magandang ugnayan ang US at China dahil sa pagtataas ng taripa sa mga produkto ng bawat bansa.