-- Advertisements --

Binantaan ni US President Donald Trump na kaniyang uubusin ang Hamas kapag patuloy na hindi susunod sa ceasefire deal nila ng Israel.

Kasunod ito sa muling pagsiklab ng kaguluhan sa Gaza matapos na dalawang sundalo ng Israel ang napatay ng Hamas militant group.

Sa kasalukuyan ay naniniwala si Trump na bahagyang sumusunod na ang Hamas subalit kapag nagmatigas ang mga ito ay hindi ito magdadalawang isip na sumawsaw sa giyera.

Paglilinaw din ng US President na hindi nila sinasamahan ang Israel na lusubin ang Gaza at sila lamang ang may tanging may operasyon sa lugar.