-- Advertisements --

Aabot sa halos pitong milyong mga katao ang nagsagawa ng kilos protesta sa iba’t-ibang bahagi ng Estados Unidos.

Ang “No Kings” protest laban kay US President Donald Trump ay isinagawa sa Chicago, Miami, Los Angeles, Washington DC at New York.

Nagtipon-tipon ang mga tao sa iconic na Times Square sa New York at may dala silang karatula na nakasulta ng “Democracy not Monarchy” at” Constitution is not Optional”.

Ang mga protesters ay kontra sa ipinapatupad na mga polisiya ni Trump.

Nagpakalat naman ang gobyerno ng National Guard para mapanatili ang kapayapaan.

Inakusahan naman ng kaalyado ni Trump na ang mga protesters ay konektado sa far-left na Antifa movement at kinondina ang rally.

Maging sa Europa ay nagsagawa rin ilang kilos protesta gaya sa Berlin, Madrid at Roma para kondinahin ang mga panuntunan ni Trump.

Nagtungo rin ang mga protesters sa US consulate sa Canada.