Ibinunyag ng Russia na may mga naharang silang mga US aircraft na lumipad sa international airspace sa Mediterranean Sea.

Ayon sa 6th Fleet ng Russia na tatlong beses nilang naharang ang U.S. P-8A Poseidon aircraft na lumipad ng mahigit dalawang oras.

Dagdag pa nila, ang pangalawa sa tatlong interactions ay delikado dahil sa mabilis ito at direktang dumaan sa kanilang mission aircraft.

Nilinaw naman ng US na sumusunod sila sa international standards at hindi sila nagsisimula ng anumang kaguluhan.

Tinuligsa pa ng US military ang naturang maling ginawa na napakadelikado.

Muli ring binigyang diin nila na lumipad ang ang fighter plane sa international airspace kaya walang dahilan para ito ay bulabugin sa paglipad.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here