Ikinababahala ng maraming mga pagamutan ang mataas na hindi pa nababayarang hospital bills ng mga payente na itinaguyod ng mga kandidatong natalo nitong nakalipas na May 12 Midterm Elections.
Ayon sa grupong Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPI), mahigit P7 billion ang halaga ng mga hindi pa nababayarang medical services na nasa ilalim ng Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP) program.
Marami sa mga pasyenteng nasa ilalim ng naturang programa, ayon sa grupo, ay pawang mga inendorso ng mga kandidatong natalo sa halalan o sila ang nag-sponsor sa kanila para maipasok sa naturang programa.
Giit ni PHAPI president Jose de Grano, hanggang 40 porsyento mula sa 1,200 na miyembro nito ay may claim sa mahigit P7 billion na pagkakautang.
Marami sa kanila aniya ay nababahala kung makakatanggap pa sila ng compensation sa kabila ng pagkatalo ng mga kandidatong nag-sponsor sa kanila.
Inihalimbawa ni Dr. de Grano ang probinsya ng Batangas kung saan may 17 ospital na mayroon pang hanggang P400 million na sisingilin, habang maraming ospital din sa Visayas at Mindanao ang nahaharap sa kahalintulad na program .
Dahil dito, umapela ang PHAPI sa Department of Health na pabilisin ang pagpapalabas ng payment sa mga ospital na unang nag-alok ng serbisyo sa ilalim ng MAIFIP.
Ayon kay Dr. de Grano, ang magandang serbisyo ng mga ospital ay hindi dapat nakukumpromiso dahil sa kinalabasan ng nkalipas na halala.