-- Advertisements --

Nilinaw ni showbiz personality Ogie Diaz kung bakit hindi niya sinuportahan ang Senate bids nina Willie Revillame at Phillip Salvador, sa kabila ng kanilang pagiging kapwa taga-industriya.

Sa panayam kay Ogie sinabi nito na hindi siya sang-ayon sa istilo ng pangangampanya ng dalawa. Ayon sa kanya, “Parang nakakalimot sila na pinapanood sila ng tao.”

Mas pinili ni Diaz na ikampanya sina Bam Aquino, Kiko Pangilinan, Erwin Tulfo, Heidi Mendoza, at Luke Espiritu — mga kandidatong aniya’y mas malinaw ang plataporma.

Inamin din ni Diaz na may personal na hidwaan sila ni Revillame dahil sa isyu ng “utang na loob” noong 2023. Dagdag pa niya, hindi siya kumbinsido sa mga sagot ni Revillame at sa pag-iwas nito sa seryosong diskusyon ng mga isyu.

Nagpaalala rin si Diaz sa mga artistang nais pumasok sa politika na “’Wag puro patawa, gamitin din ang utak.”

Samantala, kinausap din niya si Luis Manzano matapos ang pagkatalo nito sa halalan, at iminungkahing mas bagay pa rin ito sa mundo ng showbiz.