-- Advertisements --
Kinansela ang laban sa pagitan ng Miami Heat at Chicago Bulls ngayong araw (Enero 9) dahil sa nabasang hard court.
Nakatakda sana ang laro sa United Center, ang nagsisilbing homecourt ng Chicago.
Nagsagawa pa ng standard pregame warm-up ang dalawang koponan, ngunit dahil sa basang sahig, pinili ng liga na ipagpaliban ang laban para sa kaligtasan ng mga manlalaro.
Sinubukan pa itong linisin at patuyuin sa loob ng 90 minuto, ngunit hindi rin ito naging sapat.
Unang nagkaroon ng malawakang pag-ulan sa Chicago, at kabilang ang United Center sa mga nakaranas ng above-normal rainfall.
Sa kasalukuyan, wala pang itinakdang petsa kung kailan itutuloy ang laban.















