-- Advertisements --

Iniulat ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na umabot sa 94.42% ang efficiency ng bagong Unified 911 emergency hotline sa unang araw ng operasyon noong ikaw-11 ng Setyembre 2025.

Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, ito ay isang malaking hakbang sa modernisasyon ng emergency response system ng bansa.

Sa kabuuang 60,323 tawag, 57,786 ang matagumpay na narespondehan, habang 3,537 ang tinukoy na test, abandoned, o prank calls.

Malayo ito sa datos noong 2024, kung saan 48.33% lang ng mga tawag ang nahawakan. Noong unang bahagi ng 2025, umakyat ito sa 70.71%, hanggang sa makamit ang kasalukuyang antas sa ilalim ng Unified 911 system.

Samantala una nang nagbabala si Remulla laban sa mga gumagawa ng prank calls, na maaaring isailalim sa last priority ang kanilang mga numero.

Nagpapatupad na rin ang DILG ng verification protocols para matiyak na walang totoong emergency na hindi marerespondehan, kabilang ang follow-up mula sa pulisya o barangay officials.