-- Advertisements --

ILOILO CITY – Isinailalim sa lockdown ang Sto. Tomas de Villanueva Parish o mas kilala bilang Miagao Church sa Iloilo.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Fr. Angelo Colada, director ng Social Communications ng Archdiocese of Jaro, sinabi nito na hindi pa matiyak kung hanggang kailan ipapatupad ang lockdown.

Ayon kay Colada, unang nakitaan ng sintomas ng COVID (Coronavirus Disease) ang isang pari na nagdaos pa ng misa bago nakumpirma na nagpositibo sa nakakamatay na.

Kaagad namang nagsagawa ng contact tracing sa mga nakasalamuha ng nasabing pari.

Ang nabanggit na simbahan ay tinaguriang UNESCO world heritage church.