-- Advertisements --
Umakyat pa sa 8.7 percent ang mga walang trabaho para sa nakalipas na buwan ng Abril, 2021.
Batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), mas mataas ito kung ihahambing sa bilang ng mga walang trabaho noong buwan ng Marso.
Ang mga mga walang hanap buhay ay mula sa edad na 15-anyos pataas at may katumbas na bilang na 4.14 million.
Pero ayon kay national statistician at civil registrar general Usec. Dennis Mapa, mas mababa pa rin ang naturang bilang kung ihahambing noong unang ipinatupad ang lockdown, buwan ng Marso ng taong 2020.
Mahigit doble kasi ng kasalukuyang bilang ang nawalan ng trabaho noon na may total unemployment record na 17.6 percent.