Nanggaling sa ibang bansa ang dalawag kaso ng coronvirus disease na naitala sa New Zealand.

Sinabi ni New Zealand Health Minister David Clark, na ito ang unang pagkakataon na nakapagtala sila ng kaso ng COVID-19 matapos ang 24 araw na walang naitatalang nadapuan ng virus.

Dagdag pa ni Clark na kanilang tinitignan mabuti ang ilang mga nakasalamuha ng mga pasyente.

Magugunitang noong nakaraang linggo ay idineklara ng nasabing bansa na coronavirus-free na sila dahil wala na silang naitalang kaso.