Natanggap na ng Singapore ang unang shipment ng COVID-19 vaccine na gawa ng Pfizer at BioNTech.

Lulan ng flight SQ7979 ng Singapore Airlines 747-400 freighter ang nasabing bakuna.

Singapore

Mula umano ito sa Brussels at dumating sa Changi Airport ng Singapore ng alas-7:36 pm nitong Lunes ng gabi.

Tinanggap ito ni Transport Minister Ong Ye Kung at ito ay dinala sa SATS’ cold-chain facility para doon itago.

Sinabi ni Ong na naging ligtas naman ang pagdating ng bakuna at kanilang sisimulan ang pamamahagi ng bakuna sa iba’t ibang lugar sa kanilang bansa.

Magugunitang inanunsiyo ni Prime Minister Lee Hsein Loong noong Disyembre 14 na kanilang binigyan ng emergency authority ang nasabing bakuna.