-- Advertisements --
Binigyan ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang mga content creator na itigil ang pag-endorso sa mga iligal na online gambling hanggang ngayong araw na lamang ng Biyernes, Hulyo 11.
Ito ay kasunod ng direktiba mula sa Philippine Amusements and Gaming Corp. (Pagcor) sa mga lisensiyadong online gambling platforms na tanggalin ang mga billboard na nageendorso sa mga sugal.
Ayon sa inter-agency body, papadalhan nila ng sulat ang mga influencer sa susunod na linggo at maghahain ng mga kaso matapos ang isang linggo sa mga hindi tatalima dito.
Ginawa ng ahensiya ang hakbang kasunod na rin ng mga isinusulong na mga panukalang batas sa Kongreso kaugnay sa pag-regulate o pagbabawal sa online gambling sa bansa.