-- Advertisements --

Pumanaw na ang founder at gitarista ng bandang Grateful Dead na si Bob Weir sa edad na 78.

Kinumpirma ng kaniiyang kaanak na dahil sa matagal ng pakikipaglaban sa cancer ang sanhi ng kamatayan ni Weir.

Sa mahigit 60 taon na karera ay nagkaroon ito ng break ng itinayo niya ang bandang Grateful Dead noong 1965.

Sila ang isa sa mga nagpa-uso ng jam bands dahil sa kakaibang timpla ng kanilang mga kanta.

Taong 1994 ng tinanghal sa Rock and Roll Hall of Fame at nakatanggap ng Lifetime Achievement Award ng Grammy noong 2007.

Nagkahiwalay ang grupo noong 1995 matapos ang pagpanaw ng isang miyembro at co-founder na si Jerry Garcia.