-- Advertisements --
Natapos na ang pamamayagpag ng Christmas song ni Mariah Carey na “All I Want for Christmas Is You” sa Billboard charts.
Nahigitan na ito ng kantang “Last Christmas” ng bandang Wham.
Ito ang unang pagkakataon na nahigitan ang kanta ni Carey na nasa Billboard Christmas Number 1 sa US mula pa noong Setyembre 2020.
Namayagpag ang kanta ni Carey sa loob ng 19 linggo mula noong Disyembre 2020.
Ang kanta ni Carey ay inilabas noong 1994 habang ang kanta ng Wham naman ay inilabas noong 1984.
Nakamit rin ng kanta ng Wham ang pinakamataas na posisyon sa Billboard Hot 100 at Holiday 100 charts na sinundan ng kanta ni Carey.















