-- Advertisements --

Sinampahan ng kaso ng singer na si Ariana Grande ang dalawang hindi pa kilalang hackers na naglabas ng kaniyang bagong kanta at studio footages.

Sa kasong inihain nito sa Los Angeles ay tinarget ng mga hackers ang mga photographers at producers para makakuha ng access sa computer ng kaniyang collaborators.

Ang nasabing mga hindi unreleased na kanta ay ibinebenta ng mga hackers sa isang dark web.

Magugunitang noong 2023 ay mayroong 45 na hindi pa nailabas na kanta ni Grande ang na-hacked, ninakaw at na-leaked.

Mula noong ito ay magsimula sa paggawa ng mga kanta sa taong 2011 ay ilang daang pag-leaks na ng mga kanta ang nangyari na.

Tiniyak naman ng abogado ng singer na gumagawa na sila ng paraan para agad na makilala ang mga hackers.